Key Points
- Walang lunas ang Retinitis Pigmentosa
- Mayroong mga sumusundo sa kanya sa bahay upang makapunta sa ibat ibang lugar
- Ang kanyang guide dog na si Hazel ay nagretiro kamakailan at patuloy niyang kasama sa bahay kapiling ang kanyang alagang pusa
Bata pa lamang si Lucy ay malabo na ang kanyang paningin ngunit dahil hindi sapat ang kita ng mga magulang kaya hindi sila komunsulta sa doktor. Napag-alaman lamang ang kondisyon niya noong siya ay naninirahan na sa Australya.
Sa tulong ng ibat-ibang mga organisasyon sa Australya, nanatiling aktibo sa Lucy sa komunidad at sa teatro.
"Kailangan mag move-on. Mabuhay ng masaya. Maraming tumutulong sa akin sa bahay at upang makapunta sa mga mga activities ko sa teatro," ibinahagi ng 62 taong gulang na vision impaired na aktres.
“Ang Speak My Language program ay pinondohan ng Commonwealth Department of Social Services at inihatid sa inyo ng SBS sa pakikipagtulungan sa ECCNSW at lahat ng State at Territory Ethnic at Multicultural Communities' Councils sa buong Australia.”