Pakinggan ang audio
Kung football ang sikat sa bansang Brazil, ang basketball halos itinuturing na isang relihiyon sa Pilipinas, at ang basketball court sa Fort Bonifacio Tenement ay tahanan ng maraming residente.
Nang mamatay ang sports icon na si Kobe Bryant sa isang helicopter crash taong 2020, ginawan ng mga local artist ang basketball court ng memorial bilang pag-alala sa namayapang idolo na naging viral sa buong mundo.
Highlights
- Fort Bonifacio Tenement basketball court ang isa sa pinakakilalang korte sa buong Asya at matatagpuan ito sa sentro mismo ng pampublikong pabahay sa Pilipinas
- Idineklara ng mga awtoridad noong 2010 na mahina na ang gusali at hindi na ligtas sa bagyo at lindol, kaya pinapaalis na ang mga nakatira sa lugar
- Carlos Belvis itinuring na isang stress reliever ang pagpunta sa basketball court
Ang ginawang pagpupugay na ito ay nakadagdag sa kredibilidad ng Tenement bilang isang icon ng pandaigdigang basketball.
Binibisita din ito ng mga international travellers para makita ang pilgrimage na tinaguriang banal na basketball court.
At isa sa nakarating sa lugar ay si Jeremy Lubsey habang nakabakasyon mula sa South Carolina sa America.
“ Espesyal ang lugar na ito dahil sa kwento ng pag-ibig ng mga tao sa basketball, sa korte na ito at kwento na mga tao paligid at ramdam mo yon habang naglalaro ka dito sa loob."
Sa ngayon ang iconic na painting ay hindi na masisilayan, maliban na lang sa canvas na replica nito na itinago pa hanggang ngayon.
Ngunit hindi nalutas ng pandaigdigang pagkilala ang krisis sa pabahay na nagbabadya sa buong basketball court at sa tinatayang humigit-kumulang 3,000 na mga nakatira sa gusali.
Idineklara noong 2010 ng mga lokal na awtoridad na hindi na ligtas ang gusali at mahina na ito sa mga bagyo at lindol.
Kaya ang mga nangungupahan ay binigyan na ang eviction notice o pinapaalis na .
Sa puntong ito, ayon kay Jennifer Corpin ang president ng Tenement Homeowners Association maliit na bilang lang ng populasyon sa mga nakatira ang tinanggap ang alok ng gobyerno na umalis at manirahan sa ibang lugar..
Habang karamirahan sa mga residente doon ay nagmamatigas pa rin.
“Mula noon hanggang ngayon nag-iingay kami. HIndi lang dito, pati sa buong mundo at alam mo yon."
Tumigil man ang pagbibigay ng eviction notice sa mga residenteng naiwan, ngunit nananatiling hindi pa rin ligtas ang gusali.
BASAHIN/ PAKINGGAN