Sa episode ngayon ng Love Down Under, pakinggan natin ang kuwento ni Lexxy Love, isang 36-taong gulang na transgender, hair at makeup artist na sa kabila ng kanyang mga personal na pagsubok, natuklasan ang kanyang hangarin sa mundo ng pagpapaganda, at ang kanyang paglalakbay ay nagtulak sa kanya na magtagumpay sa kanyang larangan, sa kabila ng iba't ibang mga hamong nadaanan.
KEY POINTS
- Naging tulay ang hair at make-up upang magbago ang pananaw ni Lexxy Love sa buhay.
- Nakahanap ng layunin sa pagpapaganda ng buhok ng iba si Lexxy Love upang mapabuti ang kanyang komunidad.
- Binanggit niya na ang pagtanggi sa kanya ng maraming brands ay nagsilbing inspirasyon sa paglulunsad ng kanyang sariling produkto.
'Love Down Under' is a podcast series on SBS Filipino that explores love, relationships, and family stories."
Share





