Ipinapakilala ng playwright, producer at guro na si Jordan Shea ang bagong dula na 'Housekeeping' tampok ang mga Pilipino-Australyanong aktor na sina Rizcel Gagawanan at Martin Sta Ana at aktor na si Mat Lee.
Ibinahagi nila Shea, Sta. Ana at Gagawanan ang iba pa tungkol sa kanilang mga papel sa dula.
Ang 'Housekeeping' ay isa sa anim na tampok na dula na bahagi ng Longhouse 2018: Works-in-Progress ng Contemporary of Asian Australian Performance na gaganapin nitong Huwebes, Nob. 15 sa Carriageworks sa Sydney.
Ang iba pang tampok na dula ay: The Happiness Index; Fall! Falter! Dance!; Mumbai Masala Palace; 72 Transformations of the Monkey King at "Fever" ng Pilipino-Australyano na si Jules Orcullo.