KEY POINTS
- Nagsurvey ng 1,032 na adults ang financial comparison website na finder at napag-alaman na kailangan kumita ng $345,819 para masabing mayaman ka. Ito ang pangkalahatang average sa dalawang henerasyon.
- Ang mga boomers ay may stabilidad habang ang mga gen Z ay hindi gaano stress sa pera kumpara sa gen X at Y (millenials) dahil marami sa kanila ang may opsyon na tumira sa bahay ng mga magulang o sa mga shared houses na may mababang renta.
- Ito ay limang beses sa median annual salary sa Australia na $67,600.