Highlights
- Ang centre-based daycare, outside school hours care, family daycare, in home care at preschools ay pinunduhan ng gobyerno
- Ang mga residente na mababa ang income mataas din ang tulong o subsidy mula sa gobyerno
- Australian citizens , permanent resident at ibang eligible visa gaya Special Category visa o Temporary Protection visa ang nakakakuha ng Child Care Subsidy
Naipagsasabay ng negosyosyanteng si Sarah Gardiner ang trabaho at pagiging ina sa tatlong bata, na May edad 7, apat at isang mag tatatlong buwan pa lamang. Dahil ito sa tulong ng childcare services ng bansang Australia at ang klase ng kanyang trabaho kung saan flexible ang oras.
" Nasubukan ko na lahat ng Childcare services dito, at maganda yong combination ng lahat ng serbisyo na yon, " kwento ni Sarah.
Sabi ni Dr Ros Baxter, ang Deputy Secretary of the Early Childhood and Child Care Group at the Department of Education, Skills and Employment, maraming childcare options ang pwedeng pagpilian ng mga magulang dito sa Australia.
Isa na dito ang Childcare centres, o mas kilalang Centre-Based Day Care.
"Ang daycae services na ito ay regulated ng gobyerno para mabigay ang kalidad na klase sa pagtuturo. Nagiging long-daycare ito dahil maaga nagsisimula at gabi na kung natatapos, Sabi ni Baster.
Pwede din ang Family Day Care.
" Ang family day care ay isang serbisyo na dinadala ang mga bata dun sa bahay ng nagtuturo at the same time dun na din sila inaalagaan, " dagdag nito.
Nariyan din ang Outside School Hours Care, Kung saan nakakatulong kapag kailangan ng mga bata ang mag aalaga bago magsimula ang pasok at pagkatapos ng pasukan o yong tinatawag na before or after school. At kadalasay nasa alas 6.30 ng umaga hanggang alas 9, sa hapon naman ay magsisimula alas 3 hanggang alas 6, kasama na dito ang school holidays o panahon na walang pasok ang mga bata. Kung hindi naman swak ang childcare na set up para sa mga magulang, pwede ang tinatawag na In-Home Care. Sa ganitong set up ang educator na mismo ang pupunta sa bahay ng pamilya para turuan at bantayan ang mga bata. Bagay ang In-Home Care sa mga pamilya na nasa medyo distansya nakatira at ang mga trabaho ng magulang ay hindi standard ang work hours.
Ang pang-5 na pwedeng pag pilian ay ang preschool.
"Ang preschool o kinder ay full-time schooling at mas structured ang pagtutulo bilang paghahanda sa mga bata."
Ayon kay Dr. Baxter, kung kailan simulan at tapusin ang childcare ay nakadepende sa edad ng bata at sa sitwasyon ng pamilya nito. Pero ang preschool ay mula 3-5 taong gulang. Inamin ni Mrs. Gardiner, malaking tulong sa kanila ang set up ng family daycare noong nasa edad 1-3 taong gulang ang kanilang mga anak.
"Nagustuhan ko ang family day care para sa aking mga lumalaking mga anak kaso ang disadvantage ay kung magkakasakit ang carer at limited ang staff, talagang wala kang choice, sabi ni Sarah.
Pero noong nakatungtong na sa 2 years old ang dalawang anak nito nagsimula na sila sa long daycare centre. At noong higit 3 years old na, sabi nito may araw sa long daycare at mas maraming araw na pinasok nya sa preschool. At nakita nya na maganda ang resulta sa kanyang mga anak, dahil naging handa ito sa pagpasok sa eskwelahan.
"noong nasa long daycare pa sila , natuto yong mga anak ko sa pakikisama at independence pero nung papalaki na sila kinder o preschool maganda dahil naihanda sila sa pagpasok talaga," dagdag pa nito.
KU (Kindergarten Union sa NSW) ay isang not-for-profit provider ng preschools, childcare at early education services na may 150 centres sa buong Australia. Ayon kay Dr Baxter may sinusunod na curriculum na dapat ituro sa mga bata ang lahat ng eskwelhan sa buong bansa.
" Talagang nagkaisa ang Commonwealth Government , mga estado at teritoryo na dapat may isang curriculum na susundin sa pagtuturo sa mga bata kahit yong private schools kasama."
Kahit sinabing nakabenepisyo sa serbisyo, inamin ni Mrs Gardiner, mahal ang singil ng childcare centre kaysa preschool. Bagay na sinang-ayunan ni Dr. Baxter pero merong mga dahilan kung bakit mahal ang charges ng childcare.
"Totoo mas mababa ang bayad sa Preschool dahil pinunduhan yan ng gobyerno at estadon, habang ang centre-based childcare dahil mahaba na naroon ang mga bata kaya pati pagkain binabayaran ng magulang."
Dagdag nito ang centre-based daycare, outside school hours care, family daycare, in home care at preschools ay pinunduhan ng gobyerno.
"Ang preschool pinagtulungan yan ng Commonwealth at mga estado para punduhan. Habang ang Centre Based Care and Family Day Care and Outside School Hours Care, ang department ang nagsubsidised, ang serbisyo mismo may charges."
Kinumpirma din ni Dr Baxter, silang mababa ang income mataas din ang tulong o subsidy mula sa gobyerno.
Halimbawa, kung mababa sa $70,000 kada taon ang income pinakamataas na subsidy ang makukuha 85% . Kapag malaki ang income 30% ang babayaran ng gobyerno."
Pahabol nito, dapat agahan o ipalista ang anak sa waitlist para sa daycare at preschool dahil marami ang gumagamit sa serbisyong Ito may panahon nga na taon ang bibilangin para makapasok.
Ang mga Australian citizens , permanent resident at ibang eligible visa gaya ng a Special Category visa or Temporary Protection visa ang nakakakuha ng Child Care Subsidy.