Maraming katanungan kaugnay ng Visitor Visa sa gitna ng pagbubukas ng Australia ngayong Ika-21 ng Pebrero.
Sinagot ng registered migration agent na si Ms Em Tanag ang mga kadalasang tanong sa Visitor Visa Subclass 600 at kung paano paghahandaan ang pag-aaply.
Pakinggan ang audio:
Highlights
- Nakatakdang magbukas ang international border ng Australia sa Pebrero 21.
- Upang maaprubahan, mahalagang mapatunayan na totoo ang intensyon sa pagbisita sa Australia, may sapat na pondo at may babalikan sa Pilipinas gaya ng trabaho, asset at pamilya.
- Kung naaprubahan ang visitor visa nitong panahon ng pandemya ngunit nag-expire at hindi nagamit, maaring mag-apply muli pero hindi na kailangang magbayad ng visa fee.
Ayon kay Ms Em Tanag, ang Visitor Visa Subclass 600 ay para sa mga aplikante na ang intensyon ay pansamantalang magbakasyon sa Australia upang bumisita ang kanilang pamilya o kaibigan, mamasyal at iba pang dahilan.
- Sino ang eligible na kumuha ng Visitor visa? Kahit sino ay pwedeng mag-apply ng Visitor Visa. Hindi kailangan ng sponsor sa pag-aapply nito hangga't mapapatunayan mo na ikaw ay may pinansyal na kapasidad at totoong intensyon na manatili sa Australia ng panandalian para sa turismo o bisitahin ang mga kamag-anak o kaibigan.
- Gaano naman po katagal ang proseso?
- Ang tagal ng proseso ay nakadepende sa bawat kaso pero sa kasalukuyan base sa website ng Immigration
25% of applications: 14 days
50% of applications: 25 days
75% of applications: 45 days
90% of applications: 11 months
Dahil na rin sa pandemya, apektado ang ilang panahon ng pagproseso ng visa.
- Magkano ang visa fee dapat bayaran? AUD 145
- Ano ang requirements o mga dokumentong kinakailangan na ihanda?
- Identity documents (gaya ng passport, Marriage certificate, Birth Certificate at iba pang ebidensya ng pagpapalit ng pangalan)
- Ebidensya ng strong ties sa Pilipinas, ito ang mga posibleng mag-compel sa kanila bumalik sa Pilipinas gaya ng stable job, assets and family.
- Kailangan din magpakita ng ebidensya na sila ay genuine visitor gaya ng mga approved visa o stamps sa passport na nagpapatunay na nakabisita sila ng ibang bansa, mga plano sa Australia halimbawa ay dadalo sa mga event gaya ng kasal at iba pa.
- Kailangan din mapatunayan na may financial capacity o pondo para gamitin sa pagpunta sa Australia
- Magkano ang show money na kailangan?
- Malaking bagay ang halaga ng pera dahil nagpapakita ito na maari mong pondohan ang pagbyahe mo pero mahalaga din na maipakita mo kung paano mo nakuha ang pera na ito gaya ng kung galing sa trabaho o kung sa negosyo
- Ang ipinapayo ni Ms. Em sa kanyang mga kliyente ay AUD 3,000 to 4,000
- Mahalaga anya na ang katumbas ito ng kabuuan ng presyo ng airline tickets, accommodation, living expenses katulad ng pagkain, insurance, at iba pa.
- Kailangan po ba na certified true copy lahat ng documents?
- Maaring Certified true copy pero pwede din naman na coloured copy lang pero may pagkakataon na ang Case Officer ay maaring humingi ng certified true copies.
- Paano ang proseso ng visa?
- Ang pinakamadali ay online at maaring bumuo ng Immiaccount
- Maari din by paper ngunit hindi masyado itong inirerekomenda.
- Maari ding kumuha ng migration agent o lawyer kung nanaisin.
- Ano ang mga dapat bantayan at paghandaan upang hindi maiwasan ang visa refusal? Ang Pilipinas ay kinukinsidera na high risk country kaugnay sa immigration assessment kaya dapat mapatunayan ang mga sumusunod:
- kailangang mapatunayang 'genuine' ang dahilan sa pagbisita sa Australia
- kailangan maipakita na may babalikan sa Pilipinas katulad ng trabaho, assets at pamilya
- Kinakailangan din na risonable ang bilang ng mga araw na ikaw ay magbabakasyon
Disclaimer: This article is for general information only. For specific visa advice, people are urged to check with the Department of Home Affairs or contact a trustworthy solicitor or registered migration agent in Australia.