Isang halimbawa ng kanilang mga plano at plataporma ay ang pagpapalakas ng turismo, pagpapalawak ng mga kalsada, edukasyon, ospital, kasama ng rebate na 300 dollars sa bawat sasakyan na irerehistro. Meron din namang mga TV ads at mangilan-ngilang posters sa mga kalsada.
Kanya kanyang diskarte ang mga partido.
Basehan sa pagboto
Ngayong panahon naman ng lokal na eleksyon sa Australia partikular sa Queensland ano nga ba ang basehan ng migranteng citizen ng bansa sa pagboto?
Hindi lamang mga Pilipino, maging ibang mga lahi mula sa iba’t-ibang panig ng mundo, na piniling manirahan sa Australia, ay kasama dito.
Si Cesar Ilagan mula sa Cairns ay unang beses boboto. Nahiya mang sabihin, pero aminado siyang hindi niya alam kung sino ang iboboto.
Hindi daw niya kilala at hindi rin alam, ang kanilang mga plataporma. Gagayahin na lang daw niya ang iboboto ng kanyang asawa.
Gayon din si Luciana, 55 taong gulang. Dekada nobenta pa siya ng dumating sa Australia, pero hangang ngayon ay hindi pa rin daw niya alam ang sistema ng politika dito.
Bumoto daw siya noong Biyernes, sa anim na kandidatong nakasulat sa balota. Snulatan na lamang niya ng 1 hanggang 6.
Maswerte aniya ang naunang kandidato sa balota , bukod sa hindi rin niya kilala at hindi pa niya nakikita.
Ang iba naman tulad ni Katherine na isang nurse, n ag research muna siya, bago pumili ng kandidato at partido na bibigyan niya ng pansin. Sinabi niya na dumadami ang bilang ng krimeng sangkot ang mga kabataan. Minsan na daw silang nanakawan.
Ang iba, iboboto ang mga kandidatong nagbibigay pansin sa pagbibigay ng trabaho sa maraming tao, lalo ngayogn unti-unting bumabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemic.
Bukod sa limitado din ang mga impormasyon hinggil sa mga kumakandidato, ang language barrier ang isa rin sa nakikitang problema, minsan kasi malalalim ang ibig sabihin ng mga salita, lalo na kung pulitika ang pag-uusapan.
Ang iba naman at napipilitan lamang na bomoto, dahil takot magmulta.
Paano ka makakaboto
Kung hindi ka naman makapunta sa mga presinto para bomoto, pwede kang mag-apply sa special enrolment categories, kung saan padadalhan ka ng balota sa bahay, Ito ay kung nasa 20 kilometro ang layo ng bahay mo hanggang sa presinto. Ganoon din, hindi makaka boto ang isang tao, dahil labag sa paniniwala sa relihiyon. Ganoon din ung naka rehistro bilang slient elector, o kung walang kakayahang bomoto dahil may karamdaman, o may banta ng COVID-19.
Ang mga batas na ipinapatupad sa bansa, ay mula sa mababa at mataas na kapulungan ng Parliamento
Kapag naipasa na ang batas, lalagdaan ito ng Gobernador Heneral at doon pag-uusapan kung saang proyekto mapupunta ang pondo ng Australia.
Sa bawat estado ay may nakatalagang mamumuno,m tulad sa Queensland na kung saan si Premier Anastacia Palaszcuk ang pinuno. Pinakamataas naman ang punong ministro, sa katauhan ni Prime Minister Scott Morisson.
Kakulangan ng interes sa pagboto
Ang kakulangan ng sapat ng kaalaman sa pulitika ng mga migrante, ang isa sa nakikitang dahilan ng mga eksperto, para mawalan ng interes sa pagboto. Malaki din anila ang papel ng mga migrante, sa paghubog ng isang estado.
Hinihikayat nila na palakasin ng bawat partido ang kanilang kampanya, para mas maunawaan ng marami ang kanilang mga adhikain. Gayon din ang malawakang pagpapaliwanag sa uri, ng pamahalaan ang Australia.
Tinatayang nasa 15.6 milyong tao ang boboto, na nasa edad 18 taon pataas. Ang pagboto umano ay isang obligasyon ng bawat mamamayan ng bansa, kaya mainam na kilala at may alam sa poltika, ang mga migrante para mas mapalakas at mapaunlad, ang kasalukyang sitwasyon ng isang bansa.



