Inaasahan ng Australian Bureao of Statistics (ABS) na bibilangin ang 24 na milyong tao, mula sa mahigit na 200 bansa na nagsasalita ng mahigit sa 300 lenguahe.
Ginagawa tuwing ika limang taon, kinikilala ng sensus ang mahahalagang katangian ng populasyon, upang makatulong sa kinabukasan ng bansa.
At sa taong ito, maraming tao ang gagamit ng paraang online, upang sumagot sa sensus.