KEY POINTS
- Iminungkahi ng pananaliksik mula sa University of New South Wales na 73 porsyento ng mga magulang ang nag-iisip na mas mahirap kontrolin ang screen time ng mga bata simula ng magkaroon ng sariling device.
- Ayon sa inang si Mutya Guilas mula sa Donybrook, Melbourne ang pagpapatupad ng limitasyon sa screen time ay isang hamon sa kanilang tahanan ngunit hikayat niya sa mga magulang na magtiyaga lamang sa pagpapatupad nito.
- Ayon sa eSafety Commissioner Julie Inman Grant susi ang pagbalanse at kailangan konsiderahin ng mga magulang ang kabuuang kalusugan ng kanilang anak pagdating sa paggamit ng gadget.
Ang 'Usapang Parental' ay podcast series ng SBS Filipino tungkol sa pagiging magulang. Ito ay nagtatampok sa mga kwento ng migranteng pamilya, pagpapalaki ng mga anak, at mga payo mula sa mga eksperto.