Ang menopause ay palatandaan ng pagtatapos ng pagreregla ng isang babae. Sa yugtong ito, nagsisimulang humina ang paggana ng obaryo ng babae kapag naabot niya ang edad na 45 hanggang 55 taon. Sa episode na ito ng Healthy Pinoy ay masusing tinalakay ni Dr Angelica Logarta-Scott ang tungkol sa menopause.
Highlights
- Magkakaroon ng mga sintomas ang ilang babae halimbawa mainit na pakiramdam, pamamawis sa gabi, di-mahimbing na pagtulog at karaniwang pagkamayamutin.
- Maaaring gamitin ang Hormone Replacement Therapy o HRT para mabawasan ang mga sintomas na dala ng menopause.
- Masasabing narating na ang menopause kapag isang buong taon nang hindi dinadatnan ng regla ang isang babae.
Makinig sa podcast
Disclaimer: Ang mga impormasyon sa panayam na ito ay gabay lamang. Para sa karagdagang payo na naaayon sa iyong problema o sitwasyon, mainam na kumonsulta sa inyong GP o doktor tungkol sa mga usaping pang-kalusugan.
Makinig sa SBS Filipino 10am-11am
Sundan kami sa Facebook
Share




