Settlement Guide: Paano maging ligtas ngayong tag-init

Summer vacation

No matter if you're at the beach or on a mountain, if you're outdoors, you always have to think about the sun. Source: Getty Images

Simula na ng tag-init sa Australya. Marami sa atin ang lalabas sa katapusan ng linggo at bakasyon kung kaya't narito ang mga payo upang masiguro na ligtas.


Kumikinang na ang araw at papalapit na ang bakasyon mula sa paaralan. Ang paglabas ay isang mabuting paraan (at kadalasan libre) upang ma-enjoy ang Australya, basta't siguraduhin na ikaw ay ligtas.

Manatiling ligtas sa dagat

Red And Yellow Warning Sign Flag at the Beach
Red and yellow flag marking the limit of the safe swimming area on a beach under a blue summer sky Source: iStockphoto
Ang Australya ay may higit sa sampung libong mga dagat na pwedeng mapuntahan at libre.

Habang ang numero ng nalunod ay bumaba sa nakaraang taon, mayroong 249 biktima. Laging pumunta sa mga dagat na may nag-papatrolya lalo na kung ikaw ay hindi isang malakas na manglalangoy. Manatili sa pula at dilaw na bandila, ang mga lugar kung saan ang mga lifeguard ay nagpapatrolya.

Kung nais mong malaman kung aling mga dagat ang may nag-papatrol at kung ano ang mga pasilidad meron sila, idownload ang Beachsafe app. Makukuha ito sa 72 wika, at nagbibigay impormasyon tungkol sa bawat dagat ng Australya.

Dapat din ay manatiling mapagbantay sa mga pool at sa mga ilog at konsiderahin ang pag-aaral ng CPR dahil ito ay nakakatulong makaligtas ng buhay ng iyong mahal. 

Manatiling ligtas sa mga parke

Mother hiking with her child in forest, Australia
Mother carrying her child on her shoulder while hiking in forest, Victoria, Australia Source: Moment RF
Ang paglibot sa isang national park ay isang masayang paraan ngayong bakasyon. May mahigit limang daan nito sa Australya na nakakalat sa mga disyerto, kagubatan, bundok at tubig.

Nag-aalok ng maraming iba'-ibang mga aktibidad tulad ng hiking, paglangoy at bird watching. Ang ibang parke ay may bayad habang ang iba ay libre.

Upang magkaroon ng mabuting outing, kailangan manaliksik bago pumunta sa parke.

“We're seeing a lot of people coming to our parks that aren't really prepared. They might have a little bit of information but they don't have proper maps or enough information,” sabi ni Tammy Schoo, Ranger Team Leader ng Victoria’s Grampians National Park.

“I suggest that before a visit, you jump online, have a look at the park notes and get a bit of an understanding of what the park is about, what's the best time to visit and are there other issues that you might need to consider like are there remote areas, what are the roads like. Plan your visit so you know you'll have a safe and enjoyable time while you're there." 

Kung ikaw ay maglalakad,  sabihan ang iyong mga kasamahan kung saan pupunta at kailan babalik.  Manatili sa landas at magdala ng tubig, pagkain at mga damit.

Manatiling ligtas sa ilalim ng araw

Hispanic mother rubbing sunscreen on daughter at beach
Hispanic mother rubbing sunscreen on daughter at beach Source: AAP
Kahit na nasa dagat o sa bukid, kung ikaw ay nasa labas, dapat ay laging isipin ang araw. 

"Two out of three people in Australia will develop a skin cancer in their lifetime and of course, many people will develop more than one. And it's concerning because it's a largely preventable cancer. It doesn't discriminate. Although those skin cancers are more common in fairer skin people, they do occur in darker skin people and Indigenous Australians,” sabi ng Cancer Council CEO Sanchia Aranda.

Sa panahon ng tag-init, rekomenda niya na lumabas kung mababa ang UV index, sa umaga at gabi.

Kung kailangan lumabas at ang UV index ay mataas, manatili sa lilim kung maaari at magsuot ng sumbrero, damit na panlaban sa init at sunscreen sa nabilad na balat.

Dapat ay gumamit ng sunscreen na may SPF30 o mataas pa dito 20 minutos bago lumabas at ugaliin na mag-aplay kada dalawang oras (o lagi kung nasa tubig o nagpapawis).

"Choose a sunscreen that you like the feel of on your skin because you're more likely to use it if you enjoy the feel of it. So shop around, test out different ones, find the one that works for you. They're not all thick white greasy things anymore," sabi ni Aranda.

Kung may pamilya na bumibisita mula sa ibang bansa ngayong tag-init, siguraduhin na ibahagi ang mga payo sa kanila upang sila ay magkaroon ng magandang bakasyon sa Australya.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Settlement Guide: Paano maging ligtas ngayong tag-init | SBS Filipino