Ang pagharap sa mga isyu ng lahi at peminismo ay isang hamon na. Paano pa kaya kung idagdag ang isang propesyon na puno ng kompetisyon? Parehong nasa mga kamay ito ng performance maker na si Caroline Garcia. Larawan: Caroline Garcia suot ang mga katutubong Pilipinong damit sa kanyang palabas na Tropical Hypeisms (Dexter Cornelius/PACT Centre for Emerging Artists)
Ginagamit niya ang masayahing istilo sa kanyang mga likhang sining - tulad ng mga live performance at mga bideyo ng pinagsama-samang ganda ng pagkaka-ibang kultural na sayaw, mga ritwal, bagong medya at pagpili ng mga popular na kultural at kolonyal na imahe - upang harapin ang mga isyu ng kultura, lahi, pagiging babae, at magkakaibang kulay ng mga kababaihan, pati na rin bilang isang plataporma para sa kanyang pagkamalikhain at harapin ang kanyang sariling mga isyu ng pagkakakilanlan.





