Highlights
- Ang mga pagbyahe sa ibang bansa ay maaring mangyari pa sa susunod na taon
- Maaring ipatupad ang mga vaccine passport at 'no jab, no fly' policy
- Kailangan pa rin mag-quarantine kahit na fully vaccinated
Umaasa ang karamihan na ang paglabas ng bakuna ay magiging sagot sa pagbukas ng international border.
Ayon sa department of health, habang isang panganib pa rin ang COVID-19 para sa mundo, kakailanganin ng mga papasok sa Australia na sumailalim sa tinatawag na "appropriate risk mitigations".