Nanawagan ang Amnesty International, upang mamuno ang United Nations sa isang imbestigasyon sa lumabas na ulat na nagsagawa ng malawakang pagbitay at pagpapahirap ang gobyerno ng Syria sa kanilang kulungang militar sa bansa. Larawan: Kulungang militar (AAP)
Ang mga pagpatay ay sinabing ginawa sa pagitan ng mga taong 2011 at 2015 sa isang kulungang malapit sa kapitolyo na Damascus.
Sinabi ng Amnesty, na aabot sa labing tatlong libong tao ang pinatay.
Pakinggan natin sa ating wika ang ulat ni Greg Dyett.
Share



