Key Points
- Ang Filipino-Australian na si Chef Jigs Liwanag ay tubong Isabela at Pangasinan sa Pilipinas at itinuring na namana ang galing sa pagluluto sa kanyang namayapang Lola.
- Ang kanyang Lechon Paksiw Pie ang ginawaran bilang Best Savoury at Brilliantly Unexpected Pie sa kakatapos na Ballarat Best Pie Competition 2025.
- Si Chef Jigs at kanyang asawa ang kasalukuyang nagpapatakbo sa Hotel Canberra at nagmamay-ari ng Café at restorant sa Ballarat, Victoria.
Dahil pinag-aral at naging nurse pangarap ng mga magulang ni Chef Jigs Liwanag na tubong Pangasinan at Isabela sa Pilipinas na maging doktor, pero matapos makapagtrabaho bilang nurse nagtapat ito sa kanyang mga magulang na mag-aaral siya ng culinary school.


Noong una ay tutol ang mga ito pero sa kalaunan, matapos makitang masaya at nagtatagumpay ang kanilang anak, niyakap nila ito at sinuportahan.
Hanggang sa makakuha ng trabaho sa Melbourne, Australia taong 2019.








RELATED CONTENT

Pinoy Pride
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website livestream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





