Highlights
- Malaking bagay ang naitutulong ng musika para sa ilang tao para maiparating ang kanilang saloobin lalo kapag may pinagdadaanang emosyonal na hamon.
- Bata pa lamang si Madelaine De Leon nang magsimula itong makaranas ng Red Skin Syndrome (RSS).
- Ang RSS, na kilala bilang red burning skin ay matinding kondisyon ng balat kasama ang pamumula, pakiramdam na parang pinapaso at labis na pangangati.
Pakinggan ang audio
Bago pa man pumutok ang pandemya, maraming beses nang kinailangang manatili sa bahay at hindi lumabas ang singer mula kanlurang Sydney dahil sa matinding sakit nito sa balat.
"I was going through my skin condition, I was kind of bed-ridden then. I was having my own lockdown even before COVID happened. I was basically on fire due to the Red Skin Syndrome (RSS)," kwento ng Marketing and Media graduate.
"When I go out I feel really cold. I’d be out, it’d be spring but I’d be freezing. I feel freezing because the skin would peel off that I would not have that much of skin barrier to protect me. It was very hard to go outside and do all the things that young people would normally do."
Binigyang-diin ni Madelaine kung paano nakatulong sa kanya ang musika para malampasan ang emosyonal na hirap habang ito'y nasa isolasyon, nilalabanan ang kanyang sakit sa balat.

Madelaine once left music and pursued a different path, but when she went through one of the most difficult times of isolation, it was music she turned to. Source: Supplied by Madelaine De Leon
"Music is just a great way to express something that I can’t really put into words properly. It conveys emotions that I kind of feeling that I haven’t topped into before."
Hangad ni Madelaine na makagawa pa ng mas maraming kanta at maibahagi ito sa iba at magbigay-inspirasyon sa sinumang may pinagdaraanan na lumaban at kumapit lamang at malalampasan din ang anumang hamon na kinakaharap.
Sa ngayon abala ang dalaga sa kanyang trabaho sa marketing at pagtataguyod para sa mga kapwa kabataang Filipino-Australyano.

Madelaine De Leon Source: SBS Filipino
Bahagi siya ng Bayanihan Sydney, isang grupo na hangad na magbigay ng pagkakataon sa iba na higit pang makilala ang kulturang Pilipino.