Key Points
- Inorganisa ng Philippine Community Council of New South Wales o PCC-NSW ang Philippine Christmas Festival na dalawang taong nahinto dahil sa mga restriksyon.
- Ginanap ang dalawang araw na event sa Tumbalong Park sa Sydney New South Wales.
- Dumalo si Philippine Ambassador Ma. Hellen dela Vega, kinatawan ng NSW government na si Liberal MP for Riverstone Kevin Connolly at iba pang mga lider.

How to listen to this podcast Source: SBS
Kaliwa’t kanang kantahan at karoling at selebrasyon kasama ang buong angkan.
Ilan lamang ito sa mga bagay na namimiss ng mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang dako ng mundo, kasama na riyan ang mga Pinoy dito sa Australya.
Kilala ang Pilipinas na may pinakamahabang selebrasyon ng kapaskuhan kaya naman para pansamantalang maibsan ang pangungulila o homesickness ng mga Pinoy sa land down under, regular na inoorganisa ng Philippine Community Council of New South Wales o PCC-NSW ang Philippine Christmas Festival.

People line up on booths at the Philippine Christmas Festival in Sydney. Credit: JAMES C. PACKER
Dinagsa ng mga Filipino-Australians ang Tumbalong Park sa Darling Harbour nitong weekend para matunghayan ang mga pagtatanghal at muling matikman ang mga pagkaing Pinoy kagaya na lamang ng puto, lechón, pansit, inihaw na manok at baboy, gulaman, mga minatamis, siopao, lugaw, at marami pang iba.
Cultural performance at the Philippine Christmas Festival in Sydney. Credit: JAMES C. PACKER
Sinabi niya sa kaniyang mensahe na ang Pasko ang isa sa pinakamahalagang selebrasyon na nagbubuklod sa mga Pilipino.
As we come together to celebrate, I encourage all our kababayan to further nurture people-to-people connection, and continue uplifting the Filipino profile.Philippine Ambassador to Australia Ma. Hellen Dela Vega

Philippine Ambassador to the Philippines Ma. Hellen dela Vega Credit: JAMES C. PACKER
“And we say, pag ang pag-ibig ang siyang naghari, araw araw ay magiging pasko lagi may this festival bring deeper meaning behind all the fun, food, and dances," saad ni Bartolome.

PCC President Cesar Bartolome
"So on behalf of the NSW government, the premiere, it is my pleasure to pass on their good wishes and to confirm the support of NSW govt. for the preservation and sharing of culture,” pahayag ni Connolly

Liberal MP for Riverstone Kevin Connolly Credit: JAMES C. PACKER

SBS Filipino Team with Philippine Tourism Department Australia and New Zealand officials. Credit: JAMES C. PACKER