Matapos maglakbay at matuklasan ang mga hiwaga sa mundo ng 'Engkantasia', muling isinalaysay ng taga-Sydney na manunulat na si Kristyn Maslog-Levis ang kwento ng 'Ibong Adarna'.
Sa pagkakataong ito, isang batang babaeng kasama ang kanyang dalawang kapatid na babae ang naglakbay sa kagubatan sa Pilipinas.
Layunin nilang mahanap ang mahiwagang 'Ibong Adarna' na siyang magbibigay lunas sa misteryosong sakit ng kanilang bilyonaryong ama. Ang librong 'The Search for Adarna' ang ikatlong nobela ni Maslog-Levis.
Share





