Lumalabas sa pag-aaral na taon-taon isa sa bawat limang Australians ay nakakaranas ng mental health issues o problema sa kalusugan ng pag-iisip. At tinatayang nasa 45 % sa mga ito ay minsan sa kanilang buhay ay posibleng makakaranas ng deperensya sa pag-iisip .
Ayon sa isang Psychologist at Professor ng psychology sa Macquarie University na si Maria Kangas, kadalasan sa mental health disorder na nararanasan ng mga tao sa buong mundo ay ang depresyon at pagkabalisa.
Highlights
- Ang mga taong may depresyon at nakakaranas ng pagkabalisa ay nagpapakita ng sintomas ng lumalayo o umiiwas, bugnutin o madaling magalit
- Impulse control disorder ay isang kondisyon na nahihirapang ma-control ang sariling emosyon at pag-uugali kaya humahantong sa gulo at pananakit ng ibang tao
- Ayon kay Professor Harry Minas, Head of the Global and Cultural Mental Health Unit ng Melbourne University, huwag baliwalain kung may sintomas, komunsulta sa doktor o GP

Close up of Caucasian couple holding hands in coffee shop Source: Digital Vision
Depresyon at anxiety o pagkabalisa
"Ang sintomas ng depresyon ay iritable, sensitive, nag-iba ang sleep pattern at concentration, at hindi na masaya sa dating ginagawa gaya ng kanyang hobby at lumalayo sa mga tao o anti-social," sabi ni Dr. Kangas.
Dagdag pa nito karaniwang pinapakitang sintomas nilang may depresyon at pagkabalisa ay lumalayo o umiiwas sa tao.
" Kapag may anxiety o pagkabalisa naman ang sintomas ay parang palaging takot. Kaya nagiging anti-social, takot mapuna ng iba o criticised at kung ano ang tingin ng iba sa kanila, " ani Dr. Kangas.
Halimbawa, ngayong panahon ng pandemya, marami ang takot sa virus, pero hindi nangangahulugan na lahat ng takot ay may mental health disorder. Malalaman silang may disorder dahil hindi na nila kayang ma-kontrol ang kanilang takot .
Silang may depresyon at balisa ay kadalasan bugnutin, irritable o madaling magalit at hindi kayang ma-control ang pag-uugali o nararamdaman.
" Madaling magalit at hirap mag-control sa kanilang emosyon kaya humahantong sa gulo o problema sa pamilya, sa trabaho hanggang sa komunidad na dahil nagiging aggressive ito."
Impulsive control disorder

Source: Getty Images/EschCollection
Samantala, may impulse control disorder din, ito ay isang kondisyon kung saan ang isang tao ay nahihirapang kontrolin ang sariling emosyon o pag-uugali.
At ang masama dito dahil sa disorder na ito, kadalasan nagiging sanhi ito para makasakit ng ibang tao o nagdudulot ng gulo. Ang pagkakaroon ng impulse control disorder ay napapakita din sa pamamagitan ng addictive disorder gaya ng pagbibisyo tulad ng sugal, pag-inum at marami pang iba.
At ang pinakamasaklap pa dito silang mga malapit sa may mental health disorder ay hindi namamalayan ang sintomas ng naturang kondisyon.
"Parang kinikimkim yong emosyon at biglang sumabog. Ibig sabihin may matagal ng pinagdadaanan ang isang taong may disorder nito, at hindi na-bigyan ng tuldok o solusyon."
Kung may sintomas huwag baliwalain
Kaya payo ni Harry Minas na nagtatrabaho sa isang clinical psychiatry sa mahabang panahon at kasalukuyang pinuno ng Global and Cultural Mental Health Unit sa University of Melbourne, kapag may namamalayang kakaibang kilog o pag-uugali ang isang taong malapit sayo huwag itong ibaliwala.
" Silang malapit sa taong may sintomas ang nakakaramdam ng pagbabago ng ugali nito kaya dapat bigyan ng atensyon at kausapin. Dapat maging sensitibo sa kanilang nararamdaman, " ani Professor Minas.
Bilang advisor sa Commonwealth para nilang may problema na refugees at asylum seekers, sabi ni Professor Minas marami sa mga galing ibang bansa na andito na sa Australia, ang binabaliwala ang mga sintomas ng pagkakaroon ng problema sa kalusugan ng pag-iisip dahil sa kakulangan ng kaalaman at ayaw nilang mapahiya sa pagkakaroon ng mental disorder.
" kapag kompirmando na may problema o deperensya sa pag-iisip , itatago yan ng pamilya at iiwas sa komunidad para hindi mapahiya ang buong angkan, lalo hindi magpakonsulta sa GP."
Humingi ng saklolo

Meditation and exercise will help you focus. Source: Getty Images/ljubaphoto
Kung hindi kayang makipag-usap sa GP, ayon sa lead clinical adviser na si Dr. Grant Blanshki maraming mahingan ng saklolo gaya ng Beyond Blue.
Sabi nito pwedeng subukan ang online Quiz sa website nito, para malaman kung may mental health issues ang isang tao.
Madali lang ang tinatawag na K10 quiz dahil matapos sagutan ang sampung tanung, agad makuha ang resulta kung dapat bang ikabahala ang resulta o hindi.
“Kahit mild ang result ng isang tao, pinaka-importante talaga ay maayos ang mental health ng isang tao. Dapat regular mag-exercise, sapat na tulog, huwag magbisyo at magrelax," ani Dr. Blanshki.
Kapag ang resulta ay “moderate”, dapat tumawag sa Beyond Blue helpline, pero kapag “severe” dapat talagang komunsulta sa GP o doctor.
" Sa maraming bansa ang family doktor, GP ay para sa kahit anong sakit sa katawan. Pero dito sa Australia ang GP ay key person para sa mental health workforce. Sila ang gumagawa ng mental health plan para makakuha ng Medicare funding para komunsulta sa Psychologist."
Maliban sa Beyond Blue, nariyan din ang Embrace Multicultural Mental Health. Ayon sa project manager na si Ruth Das, nakatuon sila sa pagbibigay ng suporta para sa mental health at suicide prevention nilang mga kabilang sa culturally and linguistically diverse communities dito sa Australia.
“Sa website merong multilingual fact sheets at videos, na isinalim sa maraming wika tungkol sa mental health issues at meron din kung saan sila pwede humingi ng saklolo at maraming personal interviews na makakatulong sa kanilang kondisyon," dagdag ng manager na si Das.
Para sa mga nangangailangan ng tulong at suporta tungkol sa mental health tumawag sa Lifeline 13 11 14 o sa Beyond Blue 1300 224 636.