Nagsagawa ng mga rally at pagtitipon ang mga grupo at aktibista sa iba’t ibang bahagi ng Australia nitong Setyembre 21 bilang pakikiisa sa mga protesta sa Pilipinas na nananawagan ng pananagutan laban sa umano’y mga iskandalong korapsyon.
Key Points
- Ang mga grupong tulad ng Australians for Philippine Human Rights Network, Pinoy Queenslanders, 1Sambayan Australia, at Bayan Australia ay nagsagawa ng mga rally, pagtatanim ng puno, at anti-korapsyon na picnic bilang suporta sa protesta sa Pilipinas.
- Binigyang-diin ng mga nagprotesta ang mga anomalya sa flood control projects at nanawagan na panagutin ang mga opisyal ng gobyerno at itaguyod ang transparency.
- Pahayag ng Malacañang: Nirerespeto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karapatan ng mamamayan sa mapayapang pagtitipon hangga’t ito’y hindi lumalabag sa batas.



📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





