Key Points
- Matatapos na dapat ang pandemic leave disaster payment ngayong katapusan ng buwan pero kamakailan lamang inanusyo ng gobyerno ang pagpapalawig nito.
- Wala pang takdang petsa sa pagtatapos nito pero ito’y mananatili hangga’t may mandatory isolation sa mga estado ng bansa.
- Mula sa $750 para sa isang linggong isolation, naging $540 na ito para tugunan ang mga pangangailangan sa loob ng limang araw ng pagka-quarantine.

How to listen to this podcast Source: SBS
Ilan sa mga pagbabago ay ang kabuuang halaga na makukuha ng mga manggagawa na kailangang sumailalim sa mandatory isolation.
Mula sa $750 para sa isang linggong isolation, naging $540 na ito para tugunan ang mga pangangailangan sa loob ng limang araw ng pagka-quarantine.
Magkakaroon din ng limitasyon na hanggang tatlong beses lang maaring makakuha ng pandemic payment sa loob ng anim na buwan.
Isa sa mga Pilipino na nakinabang dito si Paul Sevilla, store person casual employee ng isang warehouse sa Melbourne.

Paul Sevilla
"Until negative [sa COVID], hindi ako pwede mag-work so that time na nag-apply ako ng pandemic leave disaster payment, yun yung napakaraming questions pero eveuntually nakuha ko rin," saad ni Paul.
Halos ganito rin ang sitwasyon ni Bryan Vince Soriano na aminadong malaking tulong ito sa mga kagaya nilang casual employees na “no work, no pay”.
"Nag-apply ako for that pandemic leave disaster payment financial assistance, nakareceive ako ng 750, masasabi ko na sobrang laking tulong niya," kwento ni Bryan.

Bryan Vince Soriano
Dahil part-time worker, hindi niya nagamit ang disaster payment kahit pa hindi sapat ang kaniyang sick leave nang mga panahong kinailangan niya ito.
Umapela rin siya na sana mapalawak ang pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa mga ganitong programa dahil marami sa kanilang bago pa lamang sa bansa ang wala pang sapat na kamalayan tungkol sa mga ito.
Ang wish ko for the government, yung information dissemination sana mas mapalawak kasi like kami, hindi sinabi ng employer namin na may ganoong ganap.Kritza Mae Aninag

Kritza Mae Aninag
Mananatili lamang ito hanggat may mandatory isolation sa mga estado ng bansa, kahit pa kabilang pa rin ito sa COVID-19 relief fund na nakapaloob sa Economic Recovery Plan ng Australia.