Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ng Filipino Australian na si Linda Jukes na sila ay hindi makalabas sa lugar ng Ruffy dahil nalubog sa baha ang daanan sa Euroa. Kinakabahan pa din sila sa patuloy na banta ng ulan at baha sa rehiyon.
Key Points
- Ayon kay Linda Jukes, sampung taon na nakakalipas na maranasan nila ang pagbaha sa kanilang lugar sa Euroa.
- May creek sa Euroa na umapaw at nalubog ang mismong sentro ng bayan kaya hindi sila makalabas sa Ruffy dahil walang madaanan.
- Bilang lider ng komunidad, maraming kakilala din si Linda sa Shepparton at iba pang bahagi ng hilaga ng Victoria na nakaranas ng pagbaha.

Share




