Key Points
- Ibig sabihin ng cash-in-hand ay kung ang employer ay pinapasahod ang mga manggagawa ng pisikal na salapi kapalit ng pagtatrabaho ayon sa Labour Lawyer na si Charlie Bulos.
- Hindi anya ito iligal pero may responsibilidad ang mga employer na gumawa ng mga rekord at dapat may consent ng empleyado.
- May mga ilang disadvantage ang cash-in-hand ani Bulos gaya ng pagko-compute ng mga finances sa tax at superannuation.
Ang podcast series na 'Trabaho, Visa, atbp.' ay tinatalakay ang mga isyu at impormasyon sa migrasyon tuwing Huwebes sa SBS Filipino.
Paunawa: Ang pangkalahatang paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa dagdag na impormasyon at payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa isang abogado o kaukulang ahensya.