Naghahanda na ang panig ng prosekusyon at depensa sa pagsisimula ng paglilitis laban kay Vice President Sara Duterte sa July 6
Key Points
- Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na ang dapat lamang na talakayin sa paglilitis ay ang mga assets ng bise presidente mula nang maging bise-presidente siya noong 2022, at hindi bago ito.
- Sa pre-trial conference ngayong linggo, inihanay ang 97 na mga testigo ng depensa at 57 sa prosecution
- Samantala, sa ibang mga balita:
- Ayon sa weather bureau PAGASA na nangangasiwa sa mga dam sa bansa, posibleng umabot sa kritikal na lebel na 160 meters ang tubig sa angat dam sa Bulacan hanggang sa katapusan ng buwan. Ang angat dam ang pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila at mga kalapit-lalawigan.
- Tumatayo pa lamang ang bansa sa shock at trauma na dulot ng karahasan sa mga eskwelahan na nadiin ngayong linggo nang mamaril ang dalawang menor de edad na estudyante sa isang high school sa Tacloban City
- Kabilang ang Pilipinas sa mga lowest performers sa human rights protection and advocacy, batay sa survey ng grupong Human Rights Measurement Initiative o HRMI na nakaba-se sa New Zealand.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





