Ano ang maaaring maging hamon kapag nagtanghal ka ng isang 'improv' na pag-arte na walang script? Ang kailangan mo lang malaman ay ang tema at ang mga tauhan ng kuwento at ta-da, may palabas ka na!
Sa improvisation o improv, ang pangunahing bagay na dapat malaman ay ang mga sanay na performer ay kusang lilikha ng mga karakter, dayalogo, at isang buong palabas gamit ang mga mungkahi o kwento ng manonood bilang inspirasyon at kadalasan, mayroong komedya sa bawat hindi planadong pag-arte.
"Ang importante sa isang improviser ay 'yung team or 'yung ensemble mo ay isang unit, you have to work as one, kasi pumapasok kayo na hindi n'yo kung ano 'yung mga linya nyo, hindi n'yo alam kung ano 'yung exact content na mangyayari... All of that you practice for, you trained for, you rehearse together to build that idea of ensemble..." pagbabahagi ng Laughs-Master Academy Artistic Director Happy Ferraren.
Mahigit isang dekada na sa pagtatanghal sa improv theater si Bb Ferraren. Sa kasalukuyan, nakatira siya sa Sydney at nagpapabalik-balik sa Maynila kung saan regular siyang nagtuturo at gumaganap ng improv.
Si Ferraren ay kasama sa isang grupo ng mga aktor sa Sydney na naisip na magandang gawing isang komedya ang isang buong yugto ng serye mula sa palabas sa telebisyon sa U.S ang Law & Order - isang seryosong pamamaraan sa krimen. Saksihan ang kanilang mga kwentuhan ngayong katapusan ng linggo (07-08 Setyembre) sa Sydney Fringe Comedy.

Happy Ferraren performing at Manila Improv Festival 2017 Source: Supplied

Happy Ferraren (far, right) performing with the Philippine group SPIT in the Manila Improv Festival 2019 in April. Source: SPIT