Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Pagpapabuti ng pangkalahatang kalusugan ng mga kabataan sa kanilang trabaho

Inside A Russian McDonald's Corp. Restaurant As Putin Instigates Government Investigation

An employee cooks hamburger patties in the kitchen Source: Bloomberg

Alam mo ba na ang mga kabataan ngayon na ang edad ay labinglima hanggang dalawampu’t apat na taong gulang ay mayroon lamang katamtamang antas ng pangkalahatang kalusugan? Larawan: Isang empleyadong nagluluto ng 'hamburger patties.' (Bloomberg)


 

Sa panayam na ito ng SBS Filipino kay Darren Cocks, Managing Director ng Apprenticeship Support Australia (ASA), ibinahagi niya na ang gastos ng pamumuhay at pagiging nasa nakababahalang katayuan ng buhay sa kasalukuyan, ang mga pangunahing dahilan kung bakit ang mga kabataan sa ngayon ay mayroon lamang katamtamang antas ng pangkalahatang kalusugan.

Ito ay mayroong epekto sa mundo ng trabaho dahil maaari itong magdulot sa mga kompanya ng mababang antas ng pananatili ng mga empleyado.

Ang mga negosyso, maliit man o malaki, ay dapat na kumuha ng mga kabataang empleyado na pinaka-aangkop sa posisyon at bigyan sila ng suporta sa trabaho. Makakatulong ito sa pagtaas ng antas ng produksyon ng kompanya at pagtamo ng mataas na antas ng pangkalahatang kalusugan,

Isa sa pinakanakawiwiling natagpuan ng pagsisiyasat na kinomisyon ng ASA at isinagawa ng Skillsroad, ay ang mga nakapagtapos ng VET ay mas nakakakuha agad ng trabaho kaysa sa mga nakapagtapos sa unibersidad. Sa kabila nito, marami pa ring mga kabataan ang pinipiling mag-aral sa mga unibersidad.

Tinanong ng SBS Filipino si G. Cocks kaugnay nito at kanyang ipinaliwanag na ito ay dahil sa ang mga VET na estudyante ay pumapasok sa isang pagsasanay at tila ba empleyado ng relasyon habang sila ay nag-aaral. Sila rin ay nananatili dito kahit tapos na ang kanilang pag-aaral. Iba naman ang sitwasyon sa mga nag-aaral sa unibersidad na pumapasok sa mundo ng trabaho bilang 'part-time' na empleyado. Ang trabahong ito ay hindi nila kagustuhan ngunit nakapagbibigay pondo sa kanilang pag-aaral. Matapos nilang matapos ang kanilang edukasyon, sila ay kailangang magsimula muli sa umpisa sa paghahanap ng trabaho.

Nang tanungin kung dapat bang piliin ng mga kabataan na kumuha ng VET na kurso kaysa mag-aral sa unibersidad, sinabi ni G. Cocks na ang solusyon dito ay paghahanap muna sa isang gawain na magaling ka at ikaw ay may malaking interes, matapos nito ay saka ka pumili ng iyong landas (kung gusto mo kumuha ng VET na kurso o mag-aral sa unibersidad).

Ibinahagi rin ni G. Cocks ang website na pwedeng bisitahin ng mga kabataan para malaman ang kanilang personalidad at kakayahan dahil makakatulong ito para malaman kung anong trabaho ang pinakamasisiyahan sila. Alamin ang tungkol dito sa panayam na ito.


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now