Sa unang pagkakataon na pakikipagtulungan ng iba't ibang samahan ng mga mag-aaral na Pilipino sa buong New South Wales, ang kaganapan ay inilaan din upang magkaisa ang mga samahan ng mga Pilipinong estudyante na kaakibat ng Filipino Student Council of NSW sa pamamagitan ng naturang paligsahan.
Tinagurian bilang isa sa pinakamalaking paligsahan ng talent sa hanay ng mga mag-aaral na Pinoy sa estado, ang anim na finalist ay naglaban-laban para sa dalawang malalaking parangal.

The finalists with the event hosts and judges Source: AViolata
Ang mag-aaral ng IT na si Katrina Lopez mula sa Macquarie University ay siyang nagwagi bilang panalo ng titulo ng 'Filo Got Talent'; habang si Lisette Isles mula sa Western Sydney University ay nag-uwi ng gawad na People’s Choice.
Pinuri ng Philippine Consul General sa Sydney Ezzedin Tago ang lahat ng mga samahan ng mag-aaral at kanilang mga miyembro at lahat ng mga kalahok para sa kaganapang ito.
"Maganda ang samahan nila, maganda ang cooperation nila. Talagang may talento ang mga Filipino. It's good to have a little bit of socialisation while at school," ani ni Tago at dagdag niya na "its really important for people to connect not just to those who are around them but also their past and realised what a great culture and tradition we all have".

Philippine Consul General in Sydney Ezzedin Tago congratulating the organisers of the 'Filo Got Talent' Source: AViolata