Indie band nabuo sa gitna ng pandemya

Five Fifty Myth is an alternative rock band formed during the pandemic

Five Fifty Myth is an alternative rock band formed during the pandemic Source: Five Fifty Myth

Nabuo ang grupong Five Fifty Myth sa gitna ng COVID-19 pandemic at kasabay nito ay nagkaroon din sila ng big break sa panahon ng lockdown sa Melbourne.


Hindi akalain ng grupong Five Fifty Myth na may dalang good news ang pandemya sa kanila.

Pagputok ng COVID-19 ay binuo ni Warren Ribates at Frederick Ursua ang grupo mula sa kanilang dati o orihinal grupo na Restless band.

Matapos ng masusing paghahanap ng mga miyembro, naging bahagi ng kanilang grupo sina Darrel Roberto, Charles Bagundol at Denn Manaloto.

Kamakailan ay naglabas ng kanilang unang single ang grupo at nakahatak ng mga positibong feedback ang awit mula sa mga tagapakinig.

Nais din ng grupo na patuloy na maglabas ng mga OPM songs lao na dito sa Australya.

"Nagtsick kami sa OPM kasi alam namin ang longing ng mga Pinoy sa OPM music," sabi ni Warren.

Isa din sa ikinasasaya ng grupo ay ang pagpirma nila ng kontrata sa Blacksheep Records Manila at Viva Agency.

"Sobrang saya dahil as a musician to be able to sign for a label, validity mo yun as a musician kasi talagang dumaan ka sa process na nagustuhan ka alam naman natin na sobrang hirap makapasok sa industriya ngayon."


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand