Sa mga nakakakilala sa kanya, sinasabing siya ay isang mahiyaing binata, ngunit kapag pinakitaan ka na niya ng kanyang pagsayaw, ikaw ay mapapahanga niya.
Si Leo Aralar ay nangangarap na makapasok sa bahay ni Kuya. Ginagamit ang kanyang hilig sa pagsayaw upang maabot ang kanyang pangarap na makilala siya balang araw. Sa pamamagitan ng pagsasayaw, nais din niyang magbigay inspirasyon sa mga katulad niyang kabataan.