Key Points
- Ayon sa report, mula sa Committee for Economic Development of Australia o [[CEDA]], ang mahinang English language skills at kakulangan sa skills recognition gayundin ang diskriminasyon ay ilan sa mga aspeto kung bakit hindi nagagamit ang mga kakayanan ng mga migrante sa isang workplace sa Australia.
- Nagrekomenda ang nasabing report ng dagdag access sa English-language training at better qualification and work experience recognition, gayundin ang inisyatiba na matalakay ang uri ng diskriminasyon at prejudice.
- Ayon pa sa nasabing ulat, malaking bagay sa pagtugon ng bansa sa skill shortage ang masigurong magagamit ng mga migrante ang mga skills sa loob ng mga unang taon na pagsabak sa trabaho sa Australia.