Ang sektor ng internatonal student ay isa sa pinakamalaking serbisyo ng Australya, kung saan ang estado pa lamang ng New South Wales ay tahanan sa pinakamalaking bilang ng mga internasyonal na estudyante na may 300,000 ang naitala noong taong 2017.
Kasama ng iba pang mga isyu, ang pambu-bully ay isa sa mga karaniwang hamon na hinaharap ng mga banyagang mag-aaral pati na rin ang pagharap sa mga hamon kaugnay ng kapakanan ng kaisipan. May mga ahensya o mga departamento sa mga unibersidad at mga organisasyon na tumutulong sa mga internasyonal na mag-aaral na harapin ang mga isyung ito.
Ang Council of International Student Australia (CISA) ay ang pambansang organisasyon ng mga kumakatawan sa mga internasyonal na estudyante na nag-aaral sa postgraduate, undergraduate, mga pribadong kolehiyo, TAFE, ELICOS at antas ng pundasyon. At ang Konseho ay may ilang mga programa na naglalayong makatulong sa mga internasyonal na mag-aaral. Sa mga karagdagang impormasyon mula sa pambansang pangulo ng CISA na si Bijay Sapkota.