Ituon ang pansin sa inyong mga layunin kapag sinusubukan na maghanap ng pansamantalang trabaho o anumang uri ng trabaho ay isang mahalagang isa-alang-alang ayon sa dating international student at ngayo'y may trabaho na na si Myrvee Ortega na nais niyang ibahagi sa ibang mga mag-aaral na naghahanap ng trabaho.
Habang, ang makakuha ng iyong gustong trabaho ay maaaring maging mahirap para sa mga internasyonal na estudyante tulad ni Francis Gerard Ramirez, "it's a learning process; each work provides you to gain experience to eventually be desirable for the workforce (isang proseso ito upang matuto; ang bawat trabaho ay nagbibigay ng pagkakataon na magkaroon ng karanasan upang sa huli ay maging kanais-nais para sa puwersang paggawa)."
Ilang tip ang kanilang ibinahagi para sa mga kapwa international student na naghahanap ng trabaho:

Francis Gerard Ramirez and Myrvee Ortega (SBS Filipino) Source: SBS Filipino
1. Magkaroon ng kusa na maging maagap sa loob at labas ng iyong institusyong pang-edukasyon. Makibahagi sa komunidad.
2. Mamuhunan ng oras upang maging pamilyar sa kapaligiran sa trabaho at sa kailangang etika sa trabaho.
3. Gamitin ang anumang programa na ibinibigay ng institusyong pang-edukasyon sa mga mag-aaral upang mapahusay ang iyong kaalaman at kakayahan.
4. Humingi ng tulong at patnubay sa pamamagitan ng pagdalo sa mga workshop at networking.
5. Magboluntaryo upang makakuha ng karanasan.

International students networking event (SBS Filipino) Source: SBS Filipino