KEY POINTS
- Ang parehong kultura ay kilala sa kanilang pagkahilig sa pagkain at masaganang tradisyon sa pagluluto.
- Ang parehong kultura ay may mayamang tradisyon ng musika at sining.
- Parehong pinahahalagahan ng mga kulturang Pilipino at Italyano ang pamilya at may malapit na mga istruktura ng pamilya.
Musika at Sining
Ibinahagi ng mag-akasintahan na ang mga Italyano ay kilala sa kanilang mga klasikal na tradisyon ng musika, habang ang mga Pilipino ay may mayamang kasaysayan ng katutubo at kontemporaryong musika at mga katutubong sayaw.
"Italians love to sing and my family are all into singing. There's always singing and dancing in the background so whenever we are at each other's house, there's always music going on," pagbahagi ni Mr Ivkovic.
"He blends right in terms of that because he has the confidence to jump up and do karaoke," ayon kay Ms Padilla.
Pagkain
Sinabi ni Ms Padilla na parehong kilala ang mga Italyano at Pilipino sa kanilang pagkahilig sa pagkain at may masaganang tradisyon sa pagluluto.
"His parents were very open to Filipino food so I always bring some Filipino dessert like ube cake and dulce de leche to his place and they love it," pagbahagi ni Ms Padilla."
Malakas na pagpapahalaga sa pamilya
"He is very family oriented," ayon kay Ms Padilla.
Ang mga kulturang Pilipino at Italyano ay nagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa pamilya. Ang mga pamilya sa parehong kultura ay malapit sa pamilya, at ang mga pagtitipon ng pamilya ay mahalagang mga kaganapang sosyal.