Nakipag-laban ang mga sundalong Iraqi upang mabawi ang dalawa pang bayang malapit sa siyudad ng Mosul, habang sumusugod sila patungo sa siyudad, upang ito ay mabawi mula sa mga militanteng Islamic State, sa pangalawang linggo ng giyera. Larawan: Ang elitistang pwersa ng Iraqi na laban sa terorismo ay nakapasok na sa posisyon ng IS sa nayon ng Tob Zawa, sa labas ng Mosul (AAP)
Nagsimulang bombahin ng mga sundalo ang posisyon ng I-S sa Bartella, samantalang nagpapatuloy silang sumugod sa bayan ng Tob Zawa.
Subalit gumanti ang IS na kung saan nabawi ng mga militante ang bayang nagko-kontrol, sa mga mahalagang highway sa iraq.
Narito ang karagdagang ulat na ginawa ni Manny Tsigas at isinalin namin sa ating wika.
Share




