Sinabi ng Pangulo ng Pilipinas Rodrigo Duterte na nasa punto na siya ng "point of no return," sa kanyang ugnayan sa dating sumakop sa kanyang bansa, ang Estados Unidos. Larawan: Ang Pangulo ng Pilipinas, Rodrigo Duterte (AAP)
Sa halip, nais ni Pangulong Duterte na paigtingin ang relasyon sa Tsina at Rusya, at siya ay nagbanta sa kinabukasan ng samahan ng Estados Unidos at Pilipinas sa usaping pandigma.
Ang kontrobersyal na pinuno ay sinabing siya ay bibisita sa Moscow at Beijing ngayong taon upang itala ang independyenteng 'foreign policy' at buksan ang pakikipag-alyansa sa dalawang bansa.
Share



