Ang Technical And Further Education system (TAFE) ay isang pampublikong tagabigay ng bokasyonal na edukasyon at pagsasanay sa Australya.
Ito ay pinangangasiwaan ng bawat estado at naghahandog na mahigit isang libong mga kurso sa iba't-ibang idustriya. Ang mga kurso ng TAFE ay mga praktikal na kurso na nagbibigay ng kasanayan para sa mga trabaho. Mayroong mga maikling kurso tulad ng responsableng serbisyo ng alak hanggang sa mga mahahabang apprenticeship para sa kalakalan.
Ang ibang kurso ay mayroong mga entry requirement tulad ng pagsasalita ng Ingles, habang ang iba ay wala. “If you don't meet the entry requirement for the course, we can advise you on other ways to get there. For example, it might be possible to start with a lower level course," paliwanag ni Mandy Nour ng TAFE New South Wales.

Teacher watching female chef students cooking food in commercial kitchen
Libreng TAFE at tulong pinansyal
Habang ang mga international students at temporary visa holder ay makakapunta sa TAFE, ang tulong pinansyal ay bukas para sa mga mamamayan at permanenteng residente ng bansa.
Sa ilang mga estado, may listahan ng libreng kurso sa TAFE na nakikitang mahalaga. “There are 40 or 50 courses that range from pre-apprenticeship courses all the way to certificates IV to diplomas, where the government will pay the TAFE directly for the course fees instead of student having to pay those fees," paliwanag ni Andrew Williamson, Executive Director ng Victorian TAFE Association.
Mayroong mga libreng kurso mula sa civil construction trades hanggang community care at mga kurso sa health care.

The Sydney Institute of TAFE campus in Sydney on Monday, Sept. 17, 2012. (AAP Image/April Fonti) NO ARCHIVING
Ang mga refugee, asylum seeker, estudyanteng Aboriginal at mga estudyanteng may kapansanan ay may access din sa ilang mga kurso ng libre.
Kung hindi makaka-access ng mga concession at subsidiya, sinabi ni Nour makakatulong ang TAFE sa ibang mga paraan: “We do also offer other options for people who need financial help. For example, the course fees can be paid in instalments, and we have, for the higher level courses, debt student loan or FEE-HELP, which is funded by the Commonwealth government and allow people to study now and pay later."
Upang malaman kung magkano ang halaga ng iyong kurso at gaano kalaking tulong pinansyal ang makukuha, makipag-ugnay sa TAFE.

Kumuha ng suporta at payo mula sa iyong lokal na TAFE
Maaring magbigay ng payo tungkol sa karera ang iyong lokal nga TAFE. "We're able to have qualified career advisors sit down with our prospective students and talk through their options, what they want to achieve out of the course and into their career and to perhaps explore a range of options that might be suitable for the student," sabi ni Williamson.
Ang iyong lokal na TAFE ay makaktulong din sa pagpili ng kurso at pagpapa-enrol. Nagsasalita din ang mga staff ng TAFE ng iba't-ibang wika maliban sa Ingles. Posible din gamitin ang serbisyong taga-salin sa pamamagitan ng pagtawag sa 131 450 kung hindi nagsasalita sa iyong wika ang staff ng TAFE.

Ang TAFE ay para sa lahat
Kung naghahanap man ng kurso na magdadala sa'yo sa unang trabaho sa Australya o mag-upskill upang makakuha ng mabuting trabaho o di kaya magbago ng karera, tingnan kung ano ang maiaalok ng TAFE.
Ginagamit din ng ibang tao ang TAFE bilang landas patungo sa unibersidad o kaya matuto ng mga praktikal na kasanayan pagkatapos ng isang kurso.
"The area that's expanding the most rapidly is serviced by people who are qualified through the vocational education and training system. When you choose to study at a TAFE, you're doing so at a public institution with a set of public values. That means that you'll receive quality service, quality education from a trusted provider," sabi ni Williamson.
Kung nais malaman ang tungkol sa mga kurso ng TAFE, bisitahin ang iyong lokal na TAFE, tawagan o tumungo sa kanilang website.