Sinabihan ng Department of Home Affairs ang high school student na si Sky Camarce na umalis ng bansa bago pa niya matapos ang kanyang High School Certificate o HSC. Na-refuse ang kanyang visa dahil sa ilang umiiral na patakaran na ayon sa Immigration Advice and Rights Centre ay dapat suriin ng pamahalaan.
Key Points
- Mula Pilipinas, nakabase sa UAE ang pamilya ni Sky Camarce bago sya nagpunta ng Australia bilang dependent o secondary visa holder sa student visa ng kanyang ina na isang Nursing student.
- Nagrenew sila ng visa ngayong taon pero umabot na sa edad na 18 si Sky bago nila natanggap ang resulta ng aplikasyon.
- Ilang linggo bago ang pagsusulit sa High School Certificate at graduation, inatasan si Sky na umalis sa Australia dahil hindi na angkop ang kanyang edad para sa visa.
Share




