Jordan Roman: Nasa daan na tungo sa pangarap sa NBA

Jordan Roman NBA dream

Jordan Roman with Houston Rockets Assistant Coach Irving Roland at the NBA Skills Clinic Source: Supplied

Si Jordan Roman ay isang labinglimang-taong-gulang na Pilipino-Australyanong manlalaro ng basketbol.


Sa ilalim ng Waratah Junior Metro League, siya ay naglalaro para sa Sydney Comets. Sa kasalukuyan, siya ay isa sa napili sa lahat ng mga manlalaro sa ilalim ng ‘Metro league’ para maging kinatawan ng kupunan ng New South Wales (NSW) sa kilalang ‘2018 Under-16 Australian Junior Championships,’ kung saan sila ay makikipaglaban sa mga kupunan mula sa ibang estado.

Sa edad na walo, ang galing ni Jordan sa basketbol ay naibalita na rin sa kilalang telebisyong programa sa Australya. Siya rin ay sumali sa iba’t ibang liga sa NSW upang mas maging mahusay at lumawak ang kanyang pagsasanay. Siya ay umaasa na ang kanyang paghihirap na ito ay dadalhin siya sa propesyunal na karera sa basketbol, at kung papalarin, sa NBA.

“I’ve always dreamed of like being in the NBA since I was a kid. I always want to experience all the people watching on TV or on the crowd and I’ve always want to play against people around the world like in that one competition,” ayon kay Jordan.

Nakatanggap din si Jordan ng alok mula sa isa sa nangungunang unibersidad na may matatag na programa sa basketbol sa Pilipinas matapos niyang makipaglaban sa pangnasyunal na kumpetisyon sa basketbol para sa mga hayskul na mag-aaral sa Maynila.

Sa ngayon, si Jordan ay nananatili sa NSW para lalo pang humusay at dumaan sa lahat ng ‘pathway’ sa basketbol ng Australya (na nakalinya sa kanyang edad) para matulungan siya na maitayo at makilala ang kanyang pangalan sa palakasang ito.

Kasama ang kanyang ina na si Rachel, sila ngayon ay nakatuon sa ‘Under-16 Australian Junior Championship’ dahil ito ang magbubukas ng pinto para sa kanya para makapasok sa FIBA Under-16, na kinakatawan ang Australya.

Si Rachel ay labis na nakasuporta kay Jordan. Iniwan niya ang kanyang trabaho bilang propesyunal na ‘accountant’ para tumutok sa pagsasanay ng kanyang anak. Ibinahagi niya sa SBS Filipino na marami na siyang nagastos para sa anak upang makapaglaro ito sa iba’t ibang lugar at estado sa Australya.

Kahit na inamin niyang hindi ito madali, partikular sa aspetong pinansyal, patuloy pa rin siyang nasa tabi ni Jordan. Bukas si Rachel sa pagtungo sa Amerika at ngayo’y nag-iipon na rin para dito. Siya ay determinado na matulungan ang anak na makamit nito ang pangarap na maging pinakaunang puro ang dugong Pilipino na makapaglalaro sa NBA.

“He promised me ‘mum, don’t worry, I’ll bring you there’ so I’m looking forward to that and I’ll be seeing him there watching him play in NBA.”


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand