Key Points
- Gagamitin ng Filipino-Australian choir mula Sydney ang kanilang boses para makatulong sa mga nangangailangan.
- Sa pakikipagtulungan ng Ateneo Alumni Association of Australia, isasagawa ng grupo ang 'Journey of Hope' Jubilee concert para suportahan ang mga mahihirap na Pilipinong iskolar sa Pilipinas.
- Tampok sa concert ang iba pang local Sydney artist at mga awitin mula sa Bukas Palad Ministry.
Sa kanilang ibinabahaging pagmamahal sa musika at malakas sa ugnayan sa komunidad, ginagamit ng mga kabataang Filipino-Australian na ito ang kanilang hilig sa musika para sa isang natatanging layunin— ang magdala ng pag-asa sa iba.
"This is the first time that we are doing a full concert. So it's an exciting project and at the same time brings the different communities, and the cause," pagbabahagi ng choir member na si Ian Epondulan.
Ang konsiyerto ngayong Sabado sa Club Burwood sa Inner West Sydney ay magtatampok ng mga kanta mula sa Bukas Palad Ministry at ilang kontemporaryong kanta na naglalayong magbigay ng inspirasyon sa mga tao na mamuhay at magkaroon ng pag-asa.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.