Kaliwa’t kanan ang Pasko festival at event sa iba’t ibang bahagi ng Australia hatid ng mga Filipino community at hindi nagpahuli ang mga taga-Victoria.
Key Points
- Magaganap ang Pasko sa Melbourne, Joy to the World sa 8 December 2024 mula 9am - 4pm sa Queen Victoria Market.
- Hindi mawawala ang ang mga pagkaing Pinoy sa mga stall at meron ding Sama-Sama Salu-Salo Filipino Christmas Feast ng Uling The Charcoal Project.
- May mga magtatanghal din gaya ng mga folk dance, choir at bibida rin si Mary An Van der Horst.
Sa panayam ng SBS Filipino kay Florence Dato, Vice-President ng The Empowered Australian Multicultural Society Inc. na isa sa nag-organisa katuwang ang Filipino-Australian Student Council of Victoria at Konsulado ng Pilipinas sa Melbourne, mahalaga ang pagsama-sama ng mga Pinoy sa Australia at ibahagi ang tradisyon sa iba pang komunidad.

Share




