‘Kailangan may adbokasiya kang tumulong’: Mga balakid sa mga migrante sa pagpasok sa pulitika sa Australya

councillor.jpg

Campbelltown City Councillor Rey Manoto

May panawagan ng mas maraming representasyon sa pulitika at gobyerno ng Australya pero bakit nga ba mababa ang bilang ng mga migranteng pulitiko.


Key Points
  • Ayon sa 2016 census, nananatiling mababa ang bilang ng mga miyembro ng Parliyamento na kabilang sa mga katutubong grupo at mga migrante.
  • Sa isang pagsasaliksik na isinagawa ng Scanlon Foundation Research Institute na pinamagatang “You Can’t Be What You Can’t See”, binanggit ang iba’t ibang balakid na pwedeng kaharapin ng mga migranteng nais pumasok sa mundo ng politika gaya ng edukasyon, lenggwahe, at kakulangan ng propesyonal ng koneksyon.
  • Sa panayam ng SBS Filipino, sinabi ni Campbelltown City Councillor Rey Manoto, hindi hadlang ang background sa pagpasok sa pulitika basta sa may adbokasiya na pagtulong sa kapwa.
l.jpg
How to listen to this podcast Source: SBS
Gumawa ng kasaysayan si Councillor Rey Manoto bilang pinakauna at kaisa-isang Pilipino na nahalal bilang konsehal sa lokalidad ng Campbelltown, isang suburb sa South Western Sydney, New South Wales.

Higit 176,000 ang populasyon ng Campbelltown na may 160 na lengwahe kung saan nasa ika-pitong pwesto ang nagsasalita ng Tagalog at ika-labintatlo naman ang Filipino na may katumbas na mahigit 4,000.

Hindi ito naging hadlang sa pagtulong kapwa ng nasabing konsehal.

“I don’t think there’s much barrier because most of my colleagues were very open and they really wanted for other ethnic communities to be part of the political situation in Campbelltown. All you have to do is you have to have advocacy and serve the community,” saad ni Konsehal Manoto.
councillor 1.jpg
Campbelltown Councillor Rey Manoto with wife Marissa.
Kahit pa hindi siya naniniwala na ang kaniyang pagiging migrante ang dahilan, sinabi niyang maaaring makaapekto ang kawalan ng kompiyansa na magasalita gamit ang wikang Ingles.

Sa kasakaluyan, sinasabing ang ika apatnapu’t pitong parliyamento ng Australya ay binubuo ng pinakaraming leader na may iba’t ibang kultura,lahi at lengwahe.

Gayunpaman, hindi sapat ang representasyon ng mga katutubong grupo at populasyon na mula sa mga non-European countries, tulad ng Pilipinas.

Ayon sa 2016 census, nananatiling mababa ang bilang ng mga miyembro ng Parliyamento na kabilang sa mga katutubong grupo at mga migrante.
Newly elected MPs pose for photographs during a new Members' Seminar in the House of Representatives at Parliament House in Canberra.
Newly elected MPs pose for photographs during a new Members' Seminar in the House of Representatives at Parliament House in Canberra. Source: AAP
Sa isang pagsasaliksik na isinagawa ng Scanlon Foundation Research Institute na pinamagatang "You Can’t Be What You Can’t See”, tinalakay ang iba’t ibang balakid na pwedeng kaharapin ng mga migranteng nais pumasok sa mundo ng politika.

Ilan dito ay ang edukasyon, lenggwahe, at kakulangan ng propesyonal ng koneksyon at mapagkukunan ng tulong.

Samantala, upang tugunan ang isyung ito, binuo ang isang pagsasanay o workshop na layuning mapataas ang bilang ng mga multicultural Australians na magisisilbi sa pamahalaan o para makapasok sa politika.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand