Taunang isinasagawa ng komunindad Filipino sa Bossley Park sa kanlurang Sydney ang siyam na araw ng Simbang Gabi na nagtatapos sa masayang salo-salo sa 'Kakanin Festival' sa Disyembre 24.
"Bukod sa malaking bahagi ng pananampalataya ng maraming Pilipino ang pagdalo sa Simbang Gabi, mahalagang parte na rin ito ng kulturang Pinoy," ani Fr Nards Mercene ng Filipino Chaplaincy Archdiocese of Sydney.

Share





