Key Points
- Ang 'food insecurity' ay nararanasan kapag walang regular na access sa ligtas at masustansyang pagkain ang mamamayan na sapat para sa kanilang normal na pamumuhay at malusog na lifestyle.
- Base sa report, 3.7 million households ang nakakaranas ng food insecurity o kakulagan ng access sa pagkain sa nagdaang labin dalawang buwan.
- Sinabi ni Chief Executive Brianna Casey , dahil sa lumalalang cost-of-living crisis, kahit ang mga taong may trabaho ay nagnagamba pa rin na hindi magkaroon ng sapat na pagkain at magutom sa hinaharap.