Kaalinsabay ng ika-125 na paggunita ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, ilulunsad ng mga Pinoy sa South Australia ang Kalayaan Filipino Festival.
Key Points
- Gaganapin ang Kalayaan Fil Fest sa ika-11 ng Hunyo 8am-6pm sa Bonython Park, Adelaide.
- Layon ng kaganapan na mabigyan ng pagkakataon na magkita-kita ang mga Pinoy sa South Australia at ipagmalaki ang kultura.
- Ilan sa mga aktibidad ay ang mga tradisyunal at modernong pagtatanghal ng mga Pilipino, gayundin ang mga palarong Pinoy at hindi mawawala ang mga pagkain.

Sa panayam ng SBS Filipino kay Gabriel Olaer, Director ng Kalayaan Filipino Festival, handa na ang komite na nag-oorganisa at inaanyayahan ang mga kababayan na dumalo sa sa ika-11 ng Hunyo 8am-6pm sa Bonython Park, Adelaide.
Ito na anya ang pagkakataon na magkasama-sama ang mga Pinoy sa South Australia at ipamalas ang kultura at tradisyon.





