Isang modelong koopertiba ng Pilipino-Australyano, ibinahagi ng nagtatag na pangulo ng Kapitbahayan Cooperative Limited na si Ruben Amores ang mga serbisyo at programa na ibinibigay ng kanilang kooperatiba sa mga myembro nito at ang kanyang pagtaguyod sa ideyalismo ng pagkakaroon ng kooperatiba.
Kapitbahayan Coop: Pangdaigdigang Araw ng Kooperatiba
Ang mga kooperatiba sa kabuuan ay nagbibigay sa mga myembro nito ng mga benepisyo na mismong paggamit sa mga serbisyong ibinibigay ng kooperatiba habang kanilang pinamamahalaan ito. Tuwing unang Sabado ng Hulyo, ipinagdiriwang ang International Co-operative Day - ang taunang pagdiriwang ng kilusan ng kooperatiba na sinimulan ng International Co-operative Movement at kasamang ipinagdiriwang ng International Day of Co-operatives ng United Nation. Larawan: isang karatula ng Kapitbahayan Cooperative (Facebook)
Share