Key Points
- National Day of Mourning gagawin sa Australian Parliament House bukas.
- Philippine Tourism Bus at Fiesta Pilipinas, hangad na mag-engayo ng mga Australyano na bumisita sa Pilipinas.
- Higit 330 ektarya ng bukirin sa Parkwood, NSW mapupunta sa ACT.
Nagbalik na sa Australia si Punong Ministro Anthony Albanese, kasama ang sampung 'everyday Australians' at George Cross recipients na dumalo sa libing ni Queen Elizabeth II noong Lunes sa UK. Ang kanilang pagbabalik sa bansa ay hudyat ng pagtutuloy ng panahon ng pagluluksa sa Australia.
Bukod sa National Mourning Day bukas, magtitipon ang mga Senador at miyembro ng Parliamento sa Biyernes para magsulong ng "condolence motion". Dahil nasuspinde ang Parliamentary sitting week noong nakaraang linggo, magkakaroon ng dagdag na tatlong araw ng sesyon mula sa susunod na Lunes ika-26 ng Setyembre hanggang Miyerkules ika-28 ng Setyembre.

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino