Naging aktibong boluntaryo si Villagonzalo sa lokal at migranteng komunidad ng Australya sa loob ng dalawampung taon at nakatanggap ng maraming parangal dahil sa kanyang mahusay na serbisyo.
Pinangalanan bilang 2015 Citizen of the Year, 2016 Australian Social Enterprise Champion, napili bilang miyembro ng Ministerial Council Volunteers para sa estado ng Victoria at nakakuha ng iba pang mga pagkilala, siya ay naniniwalang ang pagbo-boluntaryo ay mayroong sosyal at kasiya-siyang benepisyo sa bawat indibidwal.

Habang ang konseho ng Wyndham ay kinukonsidera bilang isa sa pinaka-mabilis na lumalagong siyudad sa Australya na may populasyon na 235,000 at inaasahang tataas ng doble sa taong 2036, pinagtutuonan ng pansin ngayon ni Villagonzalo ang paglikha ng mga lokal na trabaho para sa mga lokal na residente at ang pagbuo ng mas malakas na mga komunidad.
Dagdag niya, hindi pangunahing ibig ang pagsali sa pulitika ngunit sebrbisyo at pag-iimpluwensiya ang layunin.
Naniniwala din siya sa kapasidad ng bawat Pilipino sa Australya at hinikayat ang mga may pusong magsilbi na makibahagi sa mga posisyong pamumuno hindi lamang sa lokal na komunidad gayun man sa multikultural na antas.



