'Kwentong Pinoy' sa Victoria, ipinagdiriwang ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga kwento

Story coach Anna Manuel web.jpeg

Story coach Anna Manuel tells Filipino stories to younger kids as part of the 'Kwentong Pinoy' storytelling event in Victoria. Credit: Supplied by Janeca Gross

Hangad na isulong ng 'Kwentong Pinoy' sa mga kabataang may dugong Pinoy sa Victoria ang patuloy na paggamit ng wikang Pilipino kahit nasa Australia na.


Key Points
  • Isang hamon para sa maraming migrante sa Australia, gaya ng mga Pilipino, ang patuloy ng paggamit ng kinalakhang wika.
  • Mayaman ang wikang Filipino, tinataya na aabot sa 134 wika ang ginagamit sa Pilipinas.
  • Sa mga simpleng proyekto tulad ng 'Kwentong Pinoy', maaaring mapanatili ang mayamang kulturang Pilipino.

Mga kwentong may pusong Pinoy

Naka-sentro sa temang ‘Pusong Pinoy’, binuo ang 'Kwentong Pinoy: Storytelling contest' upang ipagdiwang ang wikang Pilipino.

"It’s open to primary or secondary students with the aim to promote and encourage usage of Filipino language amongst the youth," ani Janeca Gross, pangulo ng University of the Philippines Alumni in Victoria (UPAV).

Sinabi ni Janeca, na isa sa mga hamon kapag isa kang migrant o bago pa lamang na nakatira sa isang bagong bansa, gaya ng Australia, madalas ay sinusubukan mong matutunan ang wika ng iyong bagong bansa.

"You try to adapt to the language that you are adapting to, so in the case of Australia, Australian English."

"Over time the more you speak Australian English the less likely that you speak your native language or the language you are born with."

Sa tulong ng Victorian Multicultural Commission, target ng UPAV na hikayatin ang mga kabataang may pinagmulang Pilipino na lalo pang pagyamanin ang pagkatuto ng kanilang pinagmulang wika, gamit ang malikhaing pagkukwento.

Inaasahan mula sa mga kalahok ang ilang maikling pelikula o talent performance na ginamitan ng Pilipino o anumang wika na kinikilala bilang isang isang wikang Pilipino.
Janeca Gross screen shot Halo Halo Espesyal.png
As long as your family is open to learn the Filipino language – that’s one big step, says mum of two, Janeca Gross. Credit: Supplied

'Mayaman ang wikang Filipino'

“Filipino is quite broad in terms of whether it’s a dialect or a national language," bigay-diin ng convenor ng UPAV.

Sa katunayan, sa inilathala na Atlas Filipinas map ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 2016, nasa 134 na wika ang mayroon sa Pilipinas bukod sa isang pambansang wika na Filipino.

Ayon sa pinakahuling datos mula sa 2021 Census, higit sa 310,000 na residente ng Australia ay nag-ulat na ipinanganak sa Pilipinas.

At para sa maraming mga Pilipino sa Australia, isang hamon na patuloy na magamit sa araw-araw ang mga salitang ito lalo na't Australian English ang pangkaraniwang salita sa kabuuan ng Australia.

Inamin ni Janeca Gross na siya mismo'y ramdam ang hamong ito. Tubong-Pampanga si Janeca, pero lumaki din ito sa Malolos, Bulacan. Pero hindi siya nakakapagsalita ng Kapampangan at tanging Tagalog lamang ang alam nito.

“My mum and dad speak 3 or 4 languages back in the Philippines but when I was growing up I didn’t learn the local dialects and I can only speaks Tagalog."

At ngayon na isa na ring ina, nais niyang matutunan at maipasa niya sa kanyang dalawang anak ang kinalakihang wika.
Janeca Gross.jpg
'As long as your family is open to learn the Filipino language – that’s one big step already.' Credit: Supplied by Janeca Gross

Maging bukas na matuto

“Alam kong hindi madali lalo jung wala kang immediate family na marunong mag-Filipino or other dialects in the Philippines, it’s really difficult to speak a language that you want them to learn."

Batid ni Janeca na hindi madali na matutunan ng kanyang mga anak ang wikang Filipino lalo pa nga at ang mismong mister nito ay hindi rin nagsasalita nito.

“My husband doesn’t speak Filipino, but he’s trying and that’s a good thing."

"As long as your family is open to learn the Filipino language – that’s one big step already," diin ni Janeca.

Para sa kanyang maliliit na anak, “una kong pinapabasa sa kanila ay mga nursery books. Very helpful sila in teaching my kids simple Filipino words. They also watch and listen to nursery rhymes in Filipino".

"Kung kaya nating ipagpatuloy kahit sa maliliit na paraan mas maganda kasi hindi natin makakalimutan kung ano talaga yung lenggwahe na kinalakihan natin at pwede pa nating ipasa pa sa maliliit na bata.

"It uplifts our heritage and yes, we are actually rich in terms of language diversity."

Samantala, isang programa ang nakatakdang gawin sa Linggo, ika-4 ng Setyembre para sa proyektong 'Kwentong Pinoy, ihahayag dito ang panalo sa storytelling contest.

Inaasahang dadaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Philippine Consulate General at Multicultural Arts Victoria na magsasalita tungkol sa arts industry sa Victoria at Pilipinas.

May pagtatanghal din mula sa story coach na si Anna Manuel at mula sa Philippine Language School of Victoria kung saan isang tradisyonal na sa ‘Sayaw sa bangko’ ang kanilang gagawin. May special treat din mula kay Chef Fred ng barangay.com.au na maghahanda naman ng Filipino canapes para sa mga dadalo.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand