Isang pulitiko sa Papua New Guinea ang sumali sa mga panawagan para sa aksyon mula sa pamahalaang Australia kasunod ng pagkamatay ng dalawamput pitong taong gulang na refugeeng tubong Sudan sa Manus Island. Larawan: Isang banderitas na inilagay sa paglalamay para kay Faysal Ishak Ahmed, sa lugar ng detensyon sa Manus. (Isinuplay)
Ang detenido na namatay sa ospital ng Brisbane matapos ang diumano'y pagdanas ng seizure o kombulsyon bago magpasko, ay sinasabing pinagkaitan ng sapat na medikal na paggamot sa loob ng matagal na oras.
Narito ang ulat ni Kristina Kukolja na isinalin sa ating wika.
Share




